My Childhood Friend Tagalog





Noong bata pa ako . . .
Mayroon akong kaibigan na hindi ko makakalimutan.
Simula pa ng bata ako lagi na akong may sakit. Labas pasok ako sa ospital kaya wala akong masyadong kaibigan. Lagi niya akong dinadalaw . . .
Kathleen ,  kapag gumaling ka na . . .”
Maglaro tayo.”
Kaso hindi ko na  maalala ‘yung pangalan niya.


Bakit ba lagi kang naka-ipit?”
Si Ashley. Kaibigan ko siya . Nakilala ko siya noong nagHigh school na ako.
Bakit? Hindi ba bagay?”
Palagi kasi akong nakaipit ng ponytail. Wala lang nasanay na ako.

Hindi naman para kang bata.”
BATA?  Sabagay Highschool na kami. T_T
Haha. Ang sabihin mo hindi mo pa din nakakalimutan ‘yung lalaki sinasabi mo.”
Si Michelle. ANG DALDAL! Sabi ko secret! Kaibigan ko din siya. Kapit-bahay ko sila. Lumipat sila sa lugar namin mga GRADE 6, kami. Ang saya ko nga noon eh siya yung una kong kaibigan after makalabas ako ng ospital. Kaya madami na siyang alam tungkol sakin kasi nagkukuwento ako sa kanya. Sa totoo lang tama siya, lagi akong nag-iipit kasi ‘nung bata pa ako sabi kasi ng kaibigan ko sakin . . .

Lagi kang mag-ipit . . .”
 . . .gusto kong nakikita ‘yung mukha mo.”

Sinong lalaki?”
Nacucurious tuloy si Ashley. Hindi ko pa kasi nakukuwento sa kanya. OH-OH.
Mich! Wag ka nga maingay!”
Tinakpan ko ‘yung bibig niya. Ito talagang babaeng ‘to ang daldal.
Sabi niya nakilala niya ‘yung boy ‘noon sa ospital ‘noong bata pa siya.”
Shortcut ang kwento ni MICH! Pero tama siya hindi nga lang kumpleto.

Wala ng  pag-asa. Hindi mo na siya makikita, ang tagal nap ala.”
Sabi ni ASH. Hindi ko na siya makikita? Oo nga. Mahirap ng mahanap siya. Childhood memory ko yun bakit ba?
Oo nga. Isa pa high school na tayo. Kalimutan mo na. Hanap na lang  tayo ng mas gwapo.”
Pero gusto ko siyang Makita ulit kahit isang beses. Okay lang kahit hindi niya na ako makilala.
Nagbabakasakali lang naman ako. . .”
. . . malay niyo makasalubong ko siya.”
Hindi natin alam. Ayaw kong sumuko. SUS, umandar nanaman ang imagination ko. Kinikilig ako mag-isa. Siguro, ang gwapo na niya ngayon.  ^_^

Oo nga  . . . naalala ko na. Mayroon nga pala transfer student sa second year. Gwapo daw.”
Nakita ko na din siya. Ang gwapo talaga . . . CRUSH ko na siya.”
Ano kayang pangalan niya?”
Aba't nag-usap mag-isa. HMP! Haha ito talagang mga kaibigan ko.

Hindi na sila nakikinig. Ito talagang dalawang ‘to.”
Hi. Im Kathleen. Freshman student.
Noong elementary pa ako, sobrang hina ng katawan ko dahil sa asthma ko. Kaya palagi akong naiiwan mag-isa sa bahay, they decided to confined me at the hospital to got medical attention dahil parehas na busy sila Mama at Papa.  Si Lola lang ang dumadalaw sa kin so lonely mag-isa lang ako palagi sa kwarto back then wala akong kaibigan. Isang araw lumabas ako ng kwarto ko. . .
Tapos nakilala ko siya . . . naaksidente ‘yung Daddy niya. Hit and Run.
Kathleen, sana gumaling ka na.”
Lagi siyang pumupunta sa kwarto ko since magtatabi lang ‘yung kwarto namin ng Daddy niya. Siya lang ‘yung kaibigan ko . . .
Para sayo.”
Ponytail?”
Siya pa nga nag-ipit sakin eh. Gulo-gulo nga lang . . .
Lagi kasing nakaharang ‘yung buhok mo sa mukha mo. . .”
 . .gusto kong Makita ‘yung mukha mo.”
Para sakin siya nap aka-importante niya . . .
Isang araw, hindi ko na siya na kita sabi ng nurse nakalabas na daw ‘yung Daddy niya. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. Sobrang lungkot ko noo dahil siya lang ang nag-iisang kaibigan ko.
Makikita ko pa kaya siya? Gusto kong makita siya ulit

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

 

Most Reading

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...