My Shooting Star

Sabi nila





Pag dumating daw si "love" lahat magiiba.






Pag dumating daw si "love" simula na ng pagpapakatanga.






Pag dumating daw si "love" para ka lang kulangot na madali lang makuha.






Pag dumating daw si "love" sasaya ka, yet malulungkot ka.






Pag dumating daw si "love" madali kang mapapaasa.






Tsk, sino ba si "love?" Haha Just kidding.







This story is based in my true experience sa panahong ako'y inlove.





Inlove sa taong kahit na magmukha akong tanga, wala paring pag-asa sa kaniya

Chapter one


Kokooookok! Kokokokorook! Kokorokok! Kokorokokok!


"Ayy grabe ayaw ko pang pumasok" eh kasi naman ang tagal tagal nang nagkokorokokok 'yang hayup na manok na 'yan, di na napapaos!


"Hoy!"


"Ayy buteteng anak ng tupa!"  bwisit naman oh! Manggulat ba naman sa umaga? Ito talagang tatay ko naku!


"Sa lahat ng buteteng anak ng tupa, ako ata ang pinakagwapo. Kaya bumangon kana d'yan"


"Oo nga. Babangon na ako baka maabutan pa ako ng mas malakas na hangin!"


"Anong sabi mo?!" singhal ni papa


"Wala, sabi ko po ikaw ang pinakamalaking buteteng nakita ko!" hahaha sama ko ba? Pero mahal ko 'yang papa ko no. Ay nga pala my name is Emielle Michaela Cruz. Lakas maka "my name is" elementary lang. Oh well! I'm a third year high school student in Protacio High School. Actually 3rd Grading na namin so kailangan galingan pero like i care. Hehe, simple lang naman ako, hindi ko kailangan ng tumataginting na grades. Gra-graduate din naman aketch.


Anong araw nga pala ngayon?


Schedule


Schedule


Schedule


Wait! Teka hindi ko mahanap >.<


Schedule


Schedule


Schedule


And Ting! Viola Ito na.  Hm, Today is monday O_____O


Still initializing. . . .


10 % . . . 


55 % . . . 


83 % . . . 


100 % . . . 


MONDAY?! YES! 


Para na ba akong timang at pati araw hindi ko na alam? Hahaha! Ok syempre excited na'ko dahil makikita ko si crush ko kaya sasakay na'ko ng jeep.


"Para!" todo sigaw pa 'ko n'yan.


Ayan huminto na 'yung jeep sa harapan ko kaya lang nung sasakay na'ko. .


"Sht!" Paano ba naman, imbis na makaupo ako sa gilid, eto ako at nasubsob sa upuan ng driver. Palakpak naman d'yan -_- Ganda ng araw ko *note the sarcasm* 


Pagdating ko sa school, mahahabang akyatan ito! Kaya naman nagmadali na'ko.


"Ahm Miss?" sabi ng taong gumambala ng pagmamadai ko!


"Yes?" at paglingon ko, kasi ang nasa harapan ko ngayon ay ang aking 2 years crush na si Mikael. Actually Mikael Valencia Montenegro ang full name niya. Halatang stalker hihi.


"Anong oras na?" tanong niya.


"Ahm 6:45 na eh" dalagang Pilipina ang peg :)


"Malapit na pala magtime, what's you're name again?" Ayieee, kinikilig ako. Ngayon lang niya ko napansin since First year. Dinadaan daanan niya lang ako eh hahaha.


"I'm Emielle. But you can call me Miel if you want" Yes naman makisabay daw ba ng english?


"Hi! Nice to meet you. Ako nga pala si Mikael Montenegro" Nakikipagshake hands siya. Huhu Blush na ituu!


"Nice to meet you too" Boom! Ang lambot ng kamay niya kumpara sa liha kong palad pero nangamatis na talaga 'ko sa pula. I guess this is the happiest day of my life.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

 

Most Reading

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...